Posts

Image
"ANG KAGANDAHAN NG KALIKASAN BA'T DIMO PAGMASDAN" Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman Bahagi na ito ng aking kabataan. Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan. Kaya't pagsisikapan kong ito'y pagkainggatan. Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman. Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan. Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang. Ang himig ng hangin may dalang katahimikan. Ang lambak ang aking hardin. Punong-puno ito nang iba't-ibang pananim. Madaming bulaklak kahit saan tumingin. Masustansyang pagkain ang kaniyang hain. Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa. Libre lang langhapin, hindi nakakasawa. May dalang himig sa musikero't makata, Na ang alay ay himig at tula. Ang pagbabago ay hindi makakamtan, Kung ang kalikasan ay mapababayaan. Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan. Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.

EDUCATIONAL BLOG(YUNIT 1,2,AND 3)

Image
"BUOD NG YUNIT 1" * ARALIN 1: ( WIKA,KOMUNIKASYON,AT WIKANG PAMBANSA ) *Wika- i sang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipahatid sa tao.            -habang sa lingguwistikong paliwanag ito ay nangangahulugang tunog,simbolo,kodipikadong paraan ng pasula at pahiwatig ng galaw o kilos. DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN Tunog- mula sa paligid,kalikasan at mula sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao. Simbolo- binubuo ng biswal na larawan,guhit o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan. Kodipikadong pasulat -ang sistema ng pagsulat katulad ng paggamit ng cuneiform o tableta ng mga sumerian.  Galaw- tumutukoy sa ekspresyon ng mukha kumpas ng kamay at galaw ng katawan Kilos-tumutukoy sa kung anu ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos tao tulad ng pag awit at iba pa. GAMIT NG WIKA 1.Gamit sa talastasan 2.lumilinang na pagkatuto 3.Saksi sa panlip...